Isa nang ganap na ang pagkakaroon ng dalawang
distrito ng Aklan matapos itong pirmahan ni Pangulong Duterte nitong
Septyemebre 21, 2018.
Ito ay kinumpirma ni Aklan Lone District Congressman
Carlito Marquez ng makapanayam ng Yes The Best Boracay.
Ayon sa kongresista, natuwa ito dahil naisakatuparan na
ang matagal ng proposisyon na nagsimula pa noong 2010.
Sa kanyang pagsasalaysay, ang House Bill 7522 ay nabuo
dahil sa suporta ng lahat ng mga alkalde sa Aklan bago ito naipasa sa kongreso
at senado.
Paliwanag pa ni Marquez, ang pagkakaroon ng dalawang
legislative district ng Aklan ay nangangahulugan na ma-doble ang budget para sa
infrastructure projects at social services.
Sa kasalukuyan, ang bawat distrito umano ay tumatanggap
ng taunang budget na P 120 Million para sa infra projects at P 150 Million
naman sa social services.
Sa loob ng labing-limang araw matapos mailathala sa
Official Gazette, inaasahan na magkakaroon na ng kandidato sa pagka-kongresista
sa bagong distrito para sa nalalapit na 2019 election.
Ang unang distrito ng Aklan ay binubuo ng mga bayan ng
Altavas, Balete, Banga, Batan, Kalibo, Libacao, Madalag, at New Washinton.
Ikalawang distrito naman ang mga bayan ng Buruanga,
Malay, Nabas, Ibajay, Tangalan, Makato, Lezo, Numancia, at Malinao.
#YesTheBestBoracayNEWS
No comments:
Post a Comment