Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Boracay Island ---- Papalitan ng Department of Social
Welfare and Development o DSWD ang mga ini-rereklamong food packs na umano’y
naglalaman ng bigas na may “bukbok” at mga delata na ipinamahagi noong Sabado sa
mga residente ng Boracay.
Ito pahayag ni Hector Roldan Focal Person ng DSWD,
matapos samut-saring reklamo ang kanilang natanggap mula sa mga nabigyang
residente dahil hindi umano nila ito mapakinabangan.
Kumalat kasi sa social media na ang mga ipinamahaging
food packs ay parang expired na ang mga delata dahil may bula at ang bigas
naman ay may amoy at may mga “bukbok” o rice weevil.
Paliwanag ni Roldan, ang bigas nilang ibinigay ay galing
sa National Food Authority o NFA at ito umano ay hindi contaminated taliwas sa
paniniwala ng iba dahil nilalagyan umano ito ng gamot para hindi ma-peste at
wala naman itong epekto sa tao.
Pinabulaan rin nito ang kaugnay sa delatang ibinigay nila
na hindi ito expired dahil sa 2019 pa ang expiration date nito.
Nabatid kase na ang ibang delata umano na ibinalik sa
kanila ay pumutok na ayon sa kanya gawa umano ito sa paghawak.
Ani Roldan, sa dami ng mga ibinagay nilang food packs
posible na ang ilan doon ay may problema subalit pinasiguro nito na ang
karamihan ay nasa maayos at pwedeng kainin.
Samantala, humingi ito ng paumanhin at pinayuhan naman
nito ang publiko na pumunta lang sa kanilang opisina at barangay kung may mga
concerns para agad nilang maaksyunan.
#YesTheBestBoracayNEWS
No comments:
Post a Comment