BORACAY ISLAND
- Parehong incumbent Barangay Kagawad ang nanalo sa pagka-kapitan sa Barangay
Balabag at Barangay ManocManoc habang re-elected naman sa Yapak si Punong
Barangay Hector Casidsid.
Sa naganap na eleksyon kahapon, parehong natalo ang mga
dating Punong Barangay na sina Glenn Sacapano ng Balabag at Joel Gelito ng
ManocManoc.
Sa Balabag, lumamang ng mahigit 500 boto si Balabag
Kagawad Jason Talapian na nakakuha ng 2,390 laban sa kaniyang katunggali na si
former Punong Barangay Glenn Sacapano na may botong I,838.
Sa ManocManoc, malaki ang naging lamang ni ManocManoc
Incumbent Kagawad Nixon Sualog laban kay former Punong Barangay Joel Gelito
kung saan si Sualog ay nakakuha ng mahigit apat na libong boto kumpara sa
mahigit dalawang libo na boto na napunta kay Gelito.
Samantala, tinambakan ni Yapak Incumbent Punong Barangay
Hector Caisdsid ng mahigt 800 votes ang kaniyang katunggali na si Yapak Kagawad
Marlyn Villaresis kung saan si Casidsid ay may 1,637 na boto habang 791 na boto
naman ang napunta kay Villaresis.
Kapansin-pansin na bahagyang bumaba ang voters turnout sa
Boracay dahil sa pag-uwi na ilang manggagawa at residente dahil sa pagsara na
ilang establisyemento dulot ng anim na buwang rehabilitasyon ng isla.
Ayon kay Malay Comelec Officer III, generally peaceful
naman ang katatapos na Barangay at SK election at wala namang naitala na
insidente na may kaugnayan sa eleksyon.
#YesTheBestBoracayNEWS
#BSKE2018
No comments:
Post a Comment