Posted March 1, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona,
YES THE BEST Boracay
Nakatakdang
magkaroon ng joint hearing sa Boracay bukas ang Senate Committee on Environment
and Natural Resources na pangungunahan ni Senador Cynthia Villar.
Ayon kay LGU
Malay Executive Assistant IV Rowen Aguirre, magsisimula ang pagdinig ala-una ng hapon kasama ang LGU Malay, Stakeholders ,
DENR Regional Director Jim Sampulna, DENR Secretary Roy Cimatu, DOT Sec. Wanda
Teo, DILG at TIEZA.
Maliban kay
Villar, ngayong araw ay inaasahan na darating ang ilan sa mga nagkumpirmang
mambabatas na sina Senador Nancy Binay at Senador Sonny Angara.
Bago ang gagawing
hearing, inaasahan na iikot at mag-iinspeksyon ang mga miyembro ng komite para
tingan ng personal ang sitwasyon ng isla lalo na ang kalidad ng tubig-dagat at
kung gaano na kalala ang polusyon dulot ng iresponsableng pagtatapon ng waste
water sa drainage network ng Boracay.
Samantala, paglilinaw naman ni Aguirre sa mga kumakalat
na balitang ipapasara ang Boracay, hindi pa umano sila nakakatanggap ng order
mula sa national government at kung anong
buwan ito ipapatupad.
Ganito rin ang
pahayag ni DENR-6 Regional Director Jim Sampulna na ayon sa kanya ay isasapinal
pa ng mga kalihim kung kelan ito gagawin at sa senate hearing din posibleng
manggagaling ang ilan sa mga rekomendasyon.
Sa ngayon umano
ay patuloy muna sila sa pag-silbi ng “Show Cause Order” sa mga nakitaan ng
violation sa 25+5 setback at illegal structures sa declared forest land.
Samantala,
nagpa-abot ng naman ng mensahe ang Boracay Tourist Assistance na huwag
ika-alarma ang pagdating ng mga security forces dahil hindi ito gagamitin sa
demolition operation bagkus ito ay karagdagang pwersa lamang para alalayan ang
mga darating na senador at masigurong ligtas ang pagdadaosan ng pagdinig.
No comments:
Post a Comment