Pages

Wednesday, March 07, 2018

Maliliit na vendors umapela na dapat isabay ang malalaking Violators sa pag-demolish

Posted March 7, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, outdoor, nature and waterUmapela ngayon ang mga maliliit na vendors na dapat isabay ang malalaking violators sa kanila sa isasagawang self demolition alinsunod sa apela ni Mayor Ceciron Cawaling upang ma-resolba at maayos na ang problema sa Boracay.

Labis ang pagkadismaya at pagtatanong ng mga maliliit na negosyante kung bakit sila ang inuuna na i-demolish.

Pagtatanong ng mga ito, paano na ang kanilang pamilya, anak na pinag-aaral, pagkain sa araw-araw at gastusin kung wala na silang mapagkukunan ng income.

Ganito rin ang sintemyento ng ilang netizens sa social media habang pinapanood ang live video ng self-demolition ng DENR Region-6.

Umapela rin ang mga apektadong negosyante na kung maaari ay may area silang malilipatan na mapupuntahan ng turista ng sa gayon ay hindi mawala ang kanilang pangkabuhayan.

Ngayon araw nagsimula ang LGU Malay sa pag-demolish ng mga iligal na istraktura sa mga road right of ways, sidewalks, at baybayin alinsunod sa utos ni Malay Mayor Ceciron Cawaling.

No comments:

Post a Comment