Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Sa aktibidad ng parokya, nag-umpisa ito kahapon sa Linggo
ng Palaspas o Palm Sunday kung saan apat na misa ang ginanap kasama na ang
pag-bendisyon sa mga palaspas na bitbit
ng mga katoliko.
Ngayong araw ng Lunes ay nagkaroon naman ng “Kumpisalang
Bayan” na pangungunahan ng mga pari mula Vacariate.
Marso 27 araw ng Martes ay umpisa ng House Visitataion of
Apostoles na susundan ng misa sa hapon.
Kahalintulad din ang mangyayari sa Holy Wednesday subalit
dalawang misa ang gaganapin, isa sa 6:30 ng umaga at ang isa ay alas-5 naman ng
hapon.
Samantala, sa Huwebes Santo naman ay magkakaroon ng Mass
of the Last Supper sa alas-4:30 ng hapon at sa Biyernes Santo naman ay may Via
Crusis mula ManocManoc papuntang
simbahan sa Balabag.
Magkakaroon din ng pagkumpisal at Seven Last Words na
gagawin sa tanghali at prosesyon ng Santo Entierro
ng mga santo at santa.
Sa March 31, Black Saturday naman ng alas-7:30 ng gabi
ang Procession of Soledad at susundan naman sa alas-8 ng misa ng Easter Vigil
Mass, at sa araw ng Linggo o Eastern Sunday sa alas-5 ng gabi ang pagsalubong o
paggunita sa araw ng muling pagkabuhay
ni Kristo Hesus.
Ito ang panahon ng ating paggunita sa pagpapakasakit,
pagkamatay, at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo na taunang ginugunita
ng mga katoliko.
No comments:
Post a Comment