Ni Inna Carol L. Zambrona,
YES THE BEST Boracay
Nanganganib na
mapasama sa mga titibagin ang Command Center pagkatapos na kinumpirma ni DENR
Region 6 Director Jim Sampulna na sinilbihan nila ito ng Cease and
Desist Order.
Ang dalawang na istraktura na proyekto ng LGU-Malay at kasalukuyang ginagawa ngayon sa
Station2 beachline ay lumabag umano sa 25+5 easement rule.
Ang batas aniya
ay kailangan ipatupad sa lahat at walang exemption kahit government project pa
ito.
Itong dating command
center ay sinira at pinundohan para gawin itong dalawang palapag kung saan ang
2nd floor ay magsisilbing opisina ng MDRRMO habang public toilet naman ang sa
ibabang bahagi.
Sa panayam naman
kay LGU Malay Executive Assitant IV Rowen Aguirre, wala umano silang magagawa
kundi sundin ang kautusan ng DENR na itigil ang construction at ipasara ito.
Ani Aguirre, sa
ngayon problema nila ang pagtatayuan muli ng Command Center dahil wala silang
area na paglalagyan nito.
Samantala, sa
usapin ng “total closure” ng isla, hindi sumangayon si Aguirre sa ginawang
rekomendasyon ni DENR Secretary Cimatu dahil pwede naman aniya isailalim ang
isla sa rehabilitasyon upang maresolba ang mga nakitang dapat ayusin na walang pagsasara.
Bukas araw ng
Martes, nakatakdang pumunta si Sampulna sa Boracay dahil target nila ngayon na
maayos ang problema ng drainage outfall sa Bolabog Beach.
No comments:
Post a Comment