Posted February 1, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay
Nagpapatuloy parin ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng
Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay kung ano ang dahilan sa nangyaring
sunog sa Nami Resort sa Diniwid Beach isla ng Boracay kagabi.
Sumiklab ang sunog bago mag alas-dyes ayon sa bagong hepe
ng BFP-Malay Senior Fire Inspector Lorna Parcellano habang inanunsyo naman
itong fire out bandang alas dose singkwenta y tres Pebrero 1.
Sa inisyal na imbestigasyon ni FO3 Franklin Arubang sa
mga empleyado ng naturang resort, nagsimula umano ang sunog sa laundry area sa
likurang bahagi kung saan mabilis na kumalat ang apoy sa magkakahiwalay na unit
ng resort.
Dagdag pa ni Parcellano, kung makapagsumite na ang may-ari
ng resort ng kanilang affidavit na sa laundry area nga nagmula ang apoy, electrical
wiring ang tinitingnan nilang dahilan kung bakit sumiklab ang naturang sunog.
Samantala mabilis na nagsi-alisan ang mga guest at ginawang daanan ang nasa likod na portion na opinisa ng SPR para makalabas sa area.
Wala namang naitalang sugatan subalit nag-iwan ng
20-Million na danyos ang naturang insidente.
Sa datos ng
BISFPU, nakapagtala na sila ng tatlong sunog sa buwan pa lang ng Enero ng taong
kasalukuyan.
No comments:
Post a Comment