Posted February 2, 2018
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Magtutuloy-tuloy na ang operasyon para sa Oplan Bakal at Oplan Sita ng Boracay Tourists
Assistance Center(BTAC) sa sa isla ng Boracay.
Ito ang pasiguro ni BTAC Chief PSI Jose Mark Anthony
Gesulga kung saan ayon sa hepe ay last quarter pa ng 2017 ay regular na nila
itong ginagawa ng kanilang tropa.
Ayon kay Gesulga, tuwing makalawa o kada tatlong araw ang
pag-iikot nila sa mga bars, establisyemento , tambayan, at sa mga kakalsadahin
ng Boracay.
Ang Oplan Bakal ay ang pag-iinspeksyun sa mga indibidwal
kung sila ay may dalang mga patalim, baril o kahit anong nakamamatay na armas habang
ang Oplan Sita naman ay pagsita o
pagpapa-alala sa mga nag-iinuman sa kalye at sa mga pampublikong lugar.
Sa pagpasok ng taong 2018, wala pa naman umanong
nai-rekord na nakumpiskahan ng mga illegal firearms at deadly weapons.
Nabatid na unang pinunterya ang pag-momonitor sa Brgy.
ManocManoc dahil sa dami ng mga local bars kung saan ang susunod na operasyon
ay gagawin sa Balabag at Yapak.
Samantala, ipinaaabot ni Gesulga sa publiko na dapat ay
may kontrol sa pag-iinom at iwasan ang gulo para hindi makalaboso.
No comments:
Post a Comment