Posted February 8, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona YES THE BEST Boracay
Umapela ngayon sa publiko ang bagong hepe ng Bureau of
Fire Protection Unit (BFP) Malay na si Fire Inspector Lorna Parcellano na sundin
ang kanilang mga panuntunan o patakaran upang maiwasan ang sunog.
Sinabi ni Parcellano sa panayam sa kanya nitong Sabado sa
Boracay Good News na dapat maging alerto at laging handa upang malayo sa
posibleng panganib ng sunog.
Ani Parcellano karamihan umano sa mga naitalang kaso ng
pagkasunog ay sa mga business
establishments, kaya paalala niya sa mga
may-ari na sundin ang kanilang mga payo partikular ang pagkakaroon ng fire extinguisher
na makakatulong sa agarang pagapula ng apoy.
Dagdag pa nito, panatilihing malinis ang kabahayan at
iwasan ang paglatag ng maraming outlet para malayo sa sunog.
Aniya, ang pagsunod sa fire code ay pangangalaga sa
investment dahil posibleng maabo ang lahat ng pinaghirapan at puhunan kung
hindi dadaan sa fire safety inspection ng kanilang ahensya.
Samantala, target naman ng kanilang opisina na maging
fire free ang isla ng Boracay at buong bayan ng Malay.
No comments:
Post a Comment