Posted December 13, 2017
Ni Teresa A.
Iguid, YES THE BEST Boracay
Ang probinsya ng Aklan ngayon ang may pinakamabilis na
pagtaas ng bilang ng populasyon taon-taon ayon sa Philippine Statistics
Authority o PSA.
Sa naganap na session ng Sangguniang Panlalawigan ng
Aklan, ipinakita ang report ng PSA kung saan lumalabas na ang probinsya ng
Aklan ang may pinaka mataas na average ng annual population growth (PGR) sa loob
ng taong 2000-2015.
Base sa report, tumaas ng 1.35 % ang populasyon mula
2010-2015, mas mataas kumpara sa mga probinsya ng Antique, Capiz, Iloilo, at
Guimaras.
Habang mula sa taong 2000-2010 , ang Aklan ay may average
annual population growth rate na 1.73% at mula naman sa taong 2000-2015 ay
tumaas pa ng 1.60 na porsyento.
Sa datos, ang probinsya ng Aklan ay may total population
na 575,000 sa taong 2015, kung saan ang bayan ng Kalibo ang ikatlo sa most
populated town sa Region 6.
Samantala ang mga bayan naman ng Lezo, Madalag at
Buruanga ay pasok sa top 10 least populated towns in the region.
No comments:
Post a Comment