Pages

Wednesday, November 22, 2017

No Permit to Transport and No Franchise Vehicle, hinuli sa Boracay

Posted November 22, 2017
Ni Teresa A. Iguid, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 6 people, people standing and outdoor
Photo Credit: LGU Malay
Sa pangunguna ni Malay Municipal Transportation Head Cesar Oczon kasama ang Malay Auxiliary Police (MAP) ay nagsagawa ng operasyon sa paghuli ng  mga sasakyan  na walang PTT o Permit to Transport at mga “Colorum”.

Sa panayam ng himpilang ito kay Oczon, sinabi nitong regular umano nilang isinasagawa ang nasabing operasyon sa Boracay kung saan mayroon silang nahuhuling mga violators na di-bababa sa 20 na sasakyan kada araw.

Ayon dito, noong ika-16 ng Nobyembre mayroon silang nahuling 21 motorbikes na karamihan ay walang mga transport permits.

Dagdag pa nito, ilan din sa kanilang mga nahuli ay ang mga colorum na tricycle, mga sasakyang napaso ang permit  at ang motorsiklong may modified muffler.

Samantala nag paalala naman si Oczon sa sinumang mahuhuli na lalabag ay papatawan ng 3 days impoundment ng sasakyan at P 2,500 violation fee para sa first offence, 5 day impoundment at P 2,500 violation fee para sa second offence at 7 days impoundment, removal of side car at payment of violation fee naman para sa 3rd offence.

Sa ngayon naka impound umano ang mga nahuling sasakyan sa Materials Recovery Facilities o (MRF).

No comments:

Post a Comment