Pages

Wednesday, November 08, 2017

Dalawang magkahiwalay na kaso ng pagnanakaw, inireklamo sa Boracay PNP

Posted November 8, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Himas-rehas ngayon ang isang construction worker matapos itong maaktuhang nagnakaw ng underwear sa Sitio Angol kagabi.

Ayon sa kwento ni Jovani EspaƱola sa Boracay PNP, nakita niya ang suspek na kinilalang si Ferdinand Unabia, 33-anyos ng Cebu City na nasa loob na ito ng kanilang compound at tila mayroon itong sinisilip sa bintana ng kanilang boarding house dahilan para kaniya itong sitahin.

Dito, laking gulat ng nagrereklamo ng makita nito na hawak-hawak na ng suspek ang underwear ng kanyang anak at ng isa pang boarder kung saan agad itong tumawag ng pulis para madakip.

Samantala, sa panayam kay Unabia wala umano siyang maalala sa pangyayari dahil lasing siya ng magawa niya ang insedente at kung bakit kinuha niya ang underwear.

Sa isa pang kaso, isang pintor naman ang inaresto dahil din sa kasong pagnanakaw sa loob ng kanyang pinag-tatrabahuhang hotel sa Balabag.

Kinilala ang biktima na si April Joy Sentos, 25-anyos ng Iloilo at pansamantalang nakatira sa Brgy. ManocManoc habang ang suspek ay si Sherwin Abalino, 34-anyos, taga-Kalibo at pansamantalang nakatira sa Balabag.

Sa salaysay ng biktima sa mga pulis, nilagay niya ang kanyang wallet sa drawer sa loob ng kanilang Pantry Area subalit ng kanya itong balikan ay nawawala na ito sa loob ng drawer.

Dali-dali namang humingi ng tulong si Sentos sa Security Guard na naka-duty at ini-report ito sa Security Manager kung saan ng kanilang tignan ang CCTV footage, nakita nila dito na tanging ang suspek lang ang pumasok sa area.

Dahil sa pangyayari, ipinatawag nila si Abalino at dito inako niya na siya ang kumuha ng wallet na naglalaman ng pera na mahigit P 3, 000.

Ayon sa suspek hindi siya lasing ng kinuha niya ang wallet ni Sentos ngunit iginiit nito na hindi niya sinasadya na nakawin ang naturang wallet.

Pansamantalang nakakulong sa lock-up cell ng Boracay PNP ang suspek.

No comments:

Post a Comment