Pages

Thursday, November 09, 2017

Anchorage Fee sa mga dadaong na Cruise Ship sa Boracay, dapat i-implenta –Vice Mayor Sualog

Posted November 9, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Dapat umanong  i-implementa ang ordinansa na sumisingil ng anchorage fee sa mga Cruise Ship na dadaong o bibisita sa isla  ng Boracay ayon kay Vice Mayor Abram Sualog sa naganap na sesyon ng Sangguniang Bayan ng Malay kahapon.


Ang usapin ay nag-ugat sa naging Privilege Speech ng Committee on Environment Protection Chairman Nenette Graf na aniya dapat singilin ng anchorage fee itong mga cruise ship.

Para malinawan ang plenaryo, ipinatawag nila ang head ng Transportation Office, Treasurer Office at Licensing para tanungin kung ano ang kanilang ideya kaugnay sa naturang usapin at kung ang ordinansa ba ay nasusunod.

Sa salaysay ni Cezar Oczon ng Transportation Office, sa kanilang pag-uusap ng Philippine Ports Authority o PPA, ini-refer sila nito sa Memorandum Circular number 2012-122 na pinalabas ng DILG kung saan nakapaloob umano dito na ipina-suspendi sa LGU-Malay ang pagsingil sa kaparehong collection fee’s kasama na ang probinsya at barangay na pareho sa PPA dahil magiging doble ang singil sa tax.

Dahil dito, gagawa sila ulit ng sulat sa opisina ng PPA at gayundin ang agent ng mga cruise ship may kaugnayan sa gustong i-implementang ordinansa ng Malay para mas klaro sa lahat kung ano nga ba ang dapat sundin at kung saan dapat magbayad ng anchorage fee.

No comments:

Post a Comment