Posted October 6, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Isa ito sa sinabi ni DOT Boracay Sub-Office Tourism OIC
Kristoffer Leo Velete sa patuloy na pagtaas ng tourist arrival sa isla ng
Boracay.
Sa panayam sa kanya ng Boracay Good News nitong Sabado,
mariing sinabi nito na sa kabila umano ng mga pagsubok na pinagdadaanan at mga
hindi magandang nangyayari sa bansa ay patuloy parin ang bilang ng mga
turistang mas pinipili paring magbakasyon sa isla.
Nabatid na simula Enero hanggang Agosto ngayong taon ay
nakapagtala sila ng 1.4 Million tourist arrival kung ikukumpara noong nakaraang
taon na 1.2 Million ng kaparehong buwan.
Kaugnay nito, dahil sa kanilang Tema na “ Experience
Western Visayas ” ini-ingganyo ni Velete ang mga tourist destination sa
probinsya na makipag-ugnayan sa kanilang opisina at panatilihin ang kagandahan
ng kanilang lugar lalo na sa mga Front Liners na siyang magdadala ng magandang
impormasyon sa turista.
Samantala, pina-alala ni Velete na dapat protektahan ang
isla para mapanatili ang kagandahan nito na siyang nagbibigay atraksyon sa mga
turistang dumadayo rito.
Kumpiyansa si Velete na maaabot nila ang target na 2 Million
tourist arrival para sa taong 2018.
No comments:
Post a Comment