Pages

Tuesday, October 24, 2017

Chinese National na nagbebenta ng fake gadgets, nasakote ng Boracay PNP

Posted October 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 3 peopleNasakote ng mga kapulisan ng Boracay Tourist Assistance Center BTAC ang suspek na Chinese National na nagbebenta ng mga fake gadgets dito sa isla ng Boracay.

Sa naging panayam kay Acting Chief Police Senior Inspector Jose Mark Anthony Gesulga ng BTAC, nitong Biyernes October 20 may nagturo sa kanila na may nagbebenta ng mga gadget sa area ng Yapak dito sa isla.

Agad namang tinungo ng mga pulis ng Boracay PNP ang lugar kung saan dito nila nakilala ang Chinise National na si Wang Yue Zhuan na siyang tinuturong suspek sa pagbebenta ng mga fake gadgets.

Ayon kay Gesulga, ang estilo o mudos ng suspek sa mga nabiktima nito ay dahil natalo siya sa casino dito sa Boracay at nagmamakaawa itong kailangan niya ng pera saka mag-aalok ng kanyang mga ibenebentang mga pekeng gadgets.

Image may contain: 2 people
Photo Credit Boracay PNP
Dagdag pa ni Gesulga mag-isa lang ang suspek na nagbebenta nito sa Boracay kung nitong mga nakaraang araw may nabiktima rin ng ganitong pangyayari sa bayan ng Altavas, Balete at Ibajay.

Nabatid, hindi makakasuhan ang Chinese National hanggat walang complainant na magrereklamo nito at kakasuhan siya sa kanyang nagawang panloloko.

No comments:

Post a Comment