Pages

Thursday, October 19, 2017

Drug Surrenderee, sumailalim sa Spiritual Enhancement Program

Posted October 19, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 1 person, standingMatagumpay na sumailalim ang 235 na mga drug surrenderee sa kanilang Spiritual Enhancement Program kahapon sa isla ng Boracay.

Naging tagapagsalita si Father Palermo Suganob ng St. Joseph the Worker Parish Priest sa harap ng mga beneficiary kung saan ipinaintindi sa kanila kung gaano ka-importante ang mabuhay sa mundo, magpatawad at pagpapahalaga sa sarili.

Isang video presentation din ang ipinakita ni Father Suganob sa mga ito ng sa gayon sa pamamagitan nito ay mapukaw ang kanilang isip na habang may buhay may pag-asa kapag tinutulungan ang sarili na magbago mula sa maling bisyo.

Ito na ang ika-siyam na aktibidad ng mga drug surrenderee kung saan sa darating naman na October 25 ay isasailalim ang mga ito sa Counseling Program.

Image may contain: one or more peopleSamantala, ang programa ay pinangunahan ni Malay Mayor Ceciron Cawaling, Malay PNP, Boracay PNP, Malay Local Government Operations Officer (MLGOO) II Mark Delos Reyes, Municipal Health Officer Dr. Ma. Nay Mucho.

Ang Community Base Rehab Program (CBRP) ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) ay nasa ilalim ng LGU Malay at Philippine National Police (PNP).

Itong programa ay may temang “Ginahandom ta: Pagbag-o it Kasimanwa”.

No comments:

Post a Comment