Posted October 19, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Photo Credit Boracay PNP |
Ito’y may kaugnayan sa umano’y Modus Operandi ng isang
Chinese National na nagbebenta ng pekeng
gadget kung saan nabiktima nito ang isang babae sa loob ng restaurant sa
Station 1 Balabag, Boracay.
Sa salaysay ni Dioren Quenn Arboleda, 24-anyos, lumapit
ang suspek sa kanila na umiiyak at nagmamakawa na humihingi ng tulong.
Tinanong naman ito ng biktima kung ano ang kanyang
problema kung saan sumagot ito na kailangan niya ng pera at kasunod nito ay
inalok niya ang biktima ng Iphone cellphone na nagkakahalaga ng P 13, 000 at Laptop na P 10, 000.
Dahil sa mabilis na pangyayari napabili ng suspek si
Arboleda sa maliit na halaga ng gadget subalit kalaunan ay napag-alaman nito
naisahan siya ng suspek dahil peke pala
ang mga ito.
Idinulog ng biktima ang reklamo sa mga pulis ng sa gayon
ay maging alerto ang publiko at hindi na
mabiktima ng hindi nakilalang suspek na Chino.
Nagbabala naman ang Boracay PNP na mag-ingat sa ganitong
mudos at ipagbigay alam agad sa kanila kung may na-encounter silang ganitong
pangyayari upang agad na mahuli ang mga salarin.
No comments:
Post a Comment