Posted September 19, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Binaril-patay ang isang Sales Agent habang ito ay nanood
ng peryahan sa Sitio Bolabog, Balabag, Boracay.
Kinilala ang biktima na si Daniel Lagayada, 34-anyos,
native ng Roxas City at temporaryong nakatira sa Staff House ng kanyang
pinagta-trabahuhan sa ManocManoc Boracay.
Sa blotter report ng Boracay PNP, nakatanggap umano sila
ng tawag na may shooting incident na nangyari sa lugar kung saan agad nila
itong pinuntahan.
Dito tumambad sa mga pulis ang katawan ni Lagayada na may tama ng bala ng baril at
wala ng buhay.
Sa inisyal na imbestigasyon naman ng Scene of the Crime
Operatives (SOCO) Boracay, nakatayo umano ang biktima sa peryahan ng binaril ng
hindi nakilalang suspek kung saan lumalabas na siyam na butas ang tinamo nitong
sugat sa kaliwang parti ng kanyang katawan.
Pinaniniwalaan rin na umano’y shotgun ang ginamit sa
pagpatay sa biktima.
Idineklarang dead on arrival ang biktima sa ospital habang
ang bangkay nito ay dinala na sa Prado Funeral sa bayan ng Malay.
Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng pulis sa pagkakakilanlan
at dahilan ng suspek sa pagpatay sa biktima.
No comments:
Post a Comment