Posted September 13, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Inilabas na ang Executive Order No. 026 na pirmado ni
Mayor Ceciron Cawaling na nag-uutos sa
lahat ng mga establisyemento sa isla ng Boracay na maglaan ng kani-kanilang
plastic containers para sa nabubulok na mga basura.
Ibinase ng alkalde ang utos sa Republic Act No. 9003 o
mas kilala bilang Ecological Solid Waste Mangaement Act of 2000, na ang mga
LGU’s ay kailangang magkaroon ng maayos, komprehinsibo at ecological solid waste
programs.
Nabatid na lahat ng mga establisyemento sa isla ng
Boracay ay nararapat na magkaroon ng dalawang piraso ng plastic containers o
basurahan kalakip ang pangalan mismo ng
establisyemento na naka-label dito.
Kaugnay nito, para sa araw-araw na paghahakot ng mga
basura kinakailangan din na ang kapasidad nito ay nasa 5 hanggang 10 kilo.
Layun ng naturang Executive Order na matiyak ang
proteksyon sa kalusugan ng mamamayan maging ang kapaligiran at ng sa ganun ay
mapalakas pa ang hangaring maprotektahan ang ganda ng isla.
Samantala, sisiguraduhin naman ng LGU-Malay ang wastong
segregasyon, koleksyon, pagdadala, pag-iimbak at pagtatapon ng basura sa pamamagitan
ng pagbabalangkas ng pinakamahusay na paraan para sa ecological waste
management.
No comments:
Post a Comment