Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Maisasakatuparan na ng mga mag-partner ang kanilang
minimithi dahil sa darating na Biyernes September 15 ay magpapalitan na ang mga
ito ng “I do” bilang simbolo ng pag-iisang dibdib at pagiging ganap na
mag-asawa.
Isang “Kasalang Bayan” ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang
gaganapin sa covered court ng Malay..
Ayon sa Office of Municipal Civil Registrar, layunin
umano ng Kasalang Bayan na maging legimate ang pagsasama ng mag-asawa at ng
kanilang mga anak sa harap ng Diyos at mata ng tao.
Nabatid na taunang programa ito ng Municipal Civil
Registrar sa bayan ng Malay.
Ang Kasalang Bayan ay bahagi ng social program ng Lokal
na Pamahalaan ng Malay sa pangunguna ni Mayor Ceciron Cawaling kung saan siya
rin ang kakasal sa mga aplikanteng magsing-irog.
No comments:
Post a Comment