Posted September 20, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Pansamantalang pinahintulutan ngayon ng management ng D’
Talipapa na muling maglatag ng kani-kanilang paninda ang mga negosyanteng
nasunugan.
Ayon sa isa sa mga nagbebenta sa lugar, kahapon pinulong
sila ni Shy Alzate na dating presidente ng asosasyon ng mga negosyante ng
D’Taliapap para malaman ang hakbang na gagawin pagkatapos ng nangyaring sunog.
Ayon sa natanggap nilang balita mula sa management ay
i-rebuild umano ang palengke na meron ng dalawang palapag.
Habang inaantay ang pagpapagawa sa nasunog na palengke,
pinahintulutan muna ang mga ito na magbenta para kahit papaano umano ay may
pera silang panggastos.
Ilan sa mga nagbebenta doon ay mula sa wet market na
naglatag ng panindang isda at seafoods sa main entrance ng palengke.
Sa kabilang banda, sa inisyal na imbestigasyon ni Fire
Arson Investigator FO2 John Henrey Eldesa ng BFP-Boracay, nasa sampung milyon
umano ang naitalang danyos sa mga natupok na mga stalls kabilang na ang mga
boarding houses.
Aniya, sa kanyang pag-imbestiga at sa mga nakakita ng
una, nasa Stall 56 at 57 umano nagsimula ang sunog kung saan sa ngayon ay
kanila pa itong ini-imbestigahan at kung ano ang sanhi ng sunog.
Nabatid, pitong oras bago naapula ang sunog na nagsimula
alas kwatro ng madaling araw hanggang alas-dose ng tanghali.
Samantala, inaasikaso na ng DSWD ang mga nasunugang
residente kung saan makakatanggap ang mga ito ng P 10, 000 ang totally damage
at sa partially damage naman ay P 5, 000 na financial assistance.
No comments:
Post a Comment