Posted September 18, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Mas hihigpitan na umano ngayon ng mga kinatawan ng
kapulisan ang pagpapatupad ng curfew sa mga menor de edad.
Sa naging pahayag ni PSI Jose Mark Anthony Gesulga,
Acting Chief BTAC, magsisimula ang
curfew mula alas-diyes ng gabi hanggang alas-kwatro ng madaling araw.
Ayon kay Gesulga, hindi maaaring gamitin ang mga kabataan
na ito kung para sa hanapbuhay at anumang aktibidad lalo na sa gabi dahil
karamihan sa sangkot ngayon sa mga petty crimes ay minors.
Kaugnay nito, ang lalabag sa first offense ay sasailalim
sa seminar ng kalahating araw sa MSWDO kasama ang magulang ng mahuhuli, papatawan
naman ng P 500 at isang araw na seminar kapag inulit ito sa pangalawang
pagkakataon at sa third offense ay multang P 1, 000 kasabay ng pagkakulong ng
mga magulang.
Samantala, ayon naman kay Gesulga may mga lead diagram na
umano ang Malay Auxilliary Police (MAP) at maging ang Beach Guards para sa
pag-monitor ng mga kabataang pagala-gala sa isla ng hatinggabi.
No comments:
Post a Comment