Posted August 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Personal na
tinanggap ni Bertiny Tamboon ang pinansyal na tulong ng Lokal na Pamahalaan ng
Malay kahapon sa 26 th Regular Session ng SB-Malay.
Si Bertiny ay Ama
ng napatay na sniper ng Philippine Marines na si Sgt. Bryan Tamboon na bahagi
ng tropa ng military na nakipagbakbakan sa Marawi City nitong buwan ng Hunyo.
Sa pamamagitan ng
isang resolusyon, naglaan ang Sangguniang Bayan ng Malay ng tulong na P 25, 000
para sa pamilya ng nasawing sundalo.
Ito umanong tulong
ay bilang pagbigay pugay sa kanyang katapangan na maipagtanggol ang mga
residenteng naiipit sa sigalot na dulot ng Maute Group sa Marawi City.
Napag-alaman na
si Sgt. Tamboon ay dating estudyante ng Malay National High School at nakatira
sa Sitio Minoro Brgy. Caticlan, Malay, Aklan.
Ang mga magulang naman
nito ay naninirahan ngayon sa Mindoro habang ang naiwan nilang bahay dito sa
Caticlan ay tinutuluyan ng kanyang kapatid na isang Security Guard.
Nakapag-asawa si Tamboon
sa Zamboanga City at may dalawang anak na babae at lalaki.
Matatandaan na
nabaril at nasawi si Sgt. Tamboon sa pamamagitan ng tama sa ulo dulot ng sniper
ng kalabang Maute Group.
No comments:
Post a Comment