Pages

Thursday, August 03, 2017

Lubak na kalsada sa Caticlan, Malay, nakatakda nang ayusin

Posted August 3, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, tree, sky and outdoorNagbigay na ng sulat si DPWH Aklan District Engr. Noel Fuentebella sa Lokal na Pamahalaan ng Malay para sa pagsasa-ayos ng lubak na kalsada partikular sa Parking Area ng Tolosa at Coca Cola Warehouse sa Caticlan, Malay.

Ito’y bilang sagot sa kahilingan ni Malay Mayor Ceciron Cawaling na maisa-ayos ito dahil narin sa matagal na itong sira at naging hinaing ng mga tao at sasakyang dumadaan doon.

Image may contain: sky, tree and outdoorNapag-alaman na noong nakaraang 2016 pa ito hiniling ni Catherine Fuljencio ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Malay sa DPWH-Aklan kung saan nakapaloob sa kanyang liham na sana mapaganda ang kalsada pati na ang drainage system at mga signages na ilalagay sa lugar.

Nabatid kasi na itong pagpapaayos ng mga kalsada ay nasa pangangasiwa ng probinsya ng Aklan.

Bilang sagot, naglaan ngayon si Fuentabella ng mahigit P 8 million na budget para sa pagkumpuni at maintenance nito.

Nakatakda namang magpulong si Mayor Cawaling at Fuentebella upang pag-usapan kung kailan sisimulan ang naturang proyekto.

No comments:

Post a Comment