Posted August 28, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Sasampahan ng
kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 of Republic Act 9165 o Comprehensive
Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A 10591 o Comprehendsive Act of FireArms and
Ammunition ang isang Ex-Army na nahuli sa isinagawang drug buy bust operation
sa Sitio Balinghay, Brgy., Yapak, Boracay.
Kinilala ang
suspek na si Alexis Garcera 33-anyos tubong Tapaz Capiz at pansamantalang
nakatira sa nabanggit na lugar.
Nahuli si Garcera
matapos itong bilhan ng isang sachet ng suspected shabu kapalit ng isang libong
buy-bust money.
Samantala, nakuha
pa sa posisyon ng suspek ang labing tatlong sachet ng illegal drugs, baril na 9mm
na may dalawang Magazine na loaded ng bala at labing isang bala na nakuha naman
sa kanyang sling bag.
Si Garcera ay
naaresto ng pinagsamang pwersa ng Aklan Provincial Police Office (APPO) PDEU,
Malay PNP, Boracay PNP, Aklan Provincial Public Safety Company o APPSC, 12 IB
TIU, MIG 6 at PDEA 6.
No comments:
Post a Comment