Posted August 14, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Isang
napaka-gandang balita ngayon ang ipina-abot ni CENRO Boracay OIC Jonne Adaniel sa
Boracay Good News nitong Sabado na may inilaang pondo umano ang Department of
Environment and Natural Resources (DENR) sa Materials Recovery Facilities o
(MRF) ng ManocManoc.
Ani Adaniel, nasa
P 8.5 million umano itong pondo na ibibigay ng (DENR) para sa pagbili ng
machine na manggaling sa bansang Japan at ilalagay sa Centralize MRF.
Kung maisakatuparan
umano itong proyekto ay malaking tulong ito sa Lokal na Pamahalaan ng Malay
para sa pag-resolba ng basura na nitong mga nakalipas na buwan ay nagdulot
problema sa isla.
Ayon naman kay
LGU Malay Executive Assistant II, dahil sa nahakot na ang mga basura sa MRF
lalo na ang residual waste ay ongoing ang kanilang koleksyon sa araw-araw na
hinahakot na basura na derecho umanong itanatawid sa mainland.
Dagdag pa ni
Maming, naka-focus sila ngayon sa rehabilitasyon ng Sanitary Landfill sa
Mainland Malay at kung sakali man na may suhestyon na maibibigay ang publiko ay
bukas sila lalo na kung sa ikabubuti ng lahat.
Kaugnay nito,
plano ngayong maglunsad ng Information Education Program o (IEC) ang Solid
Waste Management para maibsan ang volume ng basura na umaabot na sa mahigit 50
trucks kada araw lalo na at nais nilang pagtibayin ang “No Plastic Ordinance”.
No comments:
Post a Comment