Posted August 7, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Bilang isa sa mga
naging host ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN), makiki-isa ngayong
ang bayan ng Malay sa selebrasyon ng paggunita ng ika-50 anibersaryo sa
gagawing ASEAN Landmark Lighting sa isla ng Boracay.
Ayon kay Malay
Tourism Receptionist II at In-charge for Culture Arts and Special Event Rex
Aguirre, masasaksihan ang gagawing ASEAN Landmark Lighting bukas Agosto 8 na
dadaluhan ng ilang bisita mula ASEAN at
Department of Foreign Affairs.
Aasahan din ang
pagdalo nina Congressman Carlito Marquez, Governor Joeben Miraflores, Vice
Governor Reynaldo “Boy” Quimpo, mga Mayor sa Aklan, at representante mula
LGU-Malay.
Ang ASEAN
Landmark Lighting ay sabay na gagawin sa ilang syudad at munisipalidad sa buong
bansa.
Nabatid na ang Iloilo
at Boracay lang sa Region-6 ang isa sa mga naging host ng ASEAN.
No comments:
Post a Comment