Pages

Wednesday, August 30, 2017

85 Fire Brigade Volunteers, nagsanay sa Malay

Posted August 30, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

No automatic alt text available.Sumailalim ang walumpot limang fire brigade volunteers sa pagsasanay ng first aid at rescue drills upang maging suporta sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa panahon ng sunog at anumang responde.

Ayon kay Catherine Fulgencio ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nagsimula ngayon araw ang kanilang training sa Balusbos Elementary School kung saan magtatagal ito hanggang September 1.

Ang mga volunteers ay sasanayin sa tama at epektibong pagtulong at kung paano ang ligtas na paraan bilang isang fire volunteer.

Kaugnay nito, ang mga fire  brigade  volunteers  ay may kabuuang  apatnapung  oras na pagsasanay  sa  pag-aapula  sa sunog,  emergency reponse, first aid  at  marami pang iba.

Ito umano ang kauna-unahang Fire Brigade Training sa lahat ng mga Volunteers sa bayan ng Malay.

Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Malay MDRRMO Responders Team, Barangay Disaster Risk Reduction Management Council, mga Barangay Tanod, empleyado ng LGU-Malay, MAP at marami pang iba.

No comments:

Post a Comment