Posted July 5, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Balak ngayon ng SB Malay na mag-deklara ng labing-limang
taon na Moratorium sa pag-endorso ng casino at iba pang gaming operation sa
Boracay.
Ang resolusyon ay para ihinto muna ang pagtanggap ng mga
aplikante at may gustong mag-operate ng anumang klaseng legal na sugal tulad ng
Junket Casino kahit pa PAGCOR at Game and Amusement Board sanctioned pa ito.
Sa ginanap na 22nd Regular Session kahapon, ani SB
Jupiter Gallenero, dapat munang
magkaroon ng moratorium dahil mayroon ng nasa apat o limang nag-ooperate ng
casino sa Boracay.
Suhistyon ni SB Lloyd Maming, nais niyang maaprubahan na agad
itong resolusyon upang hindi na umano mag-nanais pang mag-apply ang mga
negosyante at casino operators dito.
Samantala, Subject for Periodic Review ng plenaryo ang napagkasunduan ng mga konsehales para sa
nasabing resolusyon.
No comments:
Post a Comment