Posted July 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Hinihintay na
lang ngayon ng LGU-Malay ang kopya mula sa DILG o Department of Interior and
Local Government para sa pag-implementa ng EO ni Pangulong Duterte patungkol sa
smoking ban.
Sa panayam kay
Executive Assistant IV Rowen Agguire, bagamat may sarili ng ordinansa ang Malay
ay handa na umano ito sa implementasyon dahil para sa ikakabuti naman ito ng
publiko.
Samantala, oras
na ma-implementa ito ang mga miyembro naman ng Barangay Auxiliary Police/Brgy.
Tanod at Philippine National Police (PNP) ang siyang tutulong sa pagsita sa mga
lalabag dito.
Nabatid na
nakapaloob sa Executive Order na hindi maaaring manigarilyo sa lahat ng
pampublikong lugar kabilang na sa mga sasakyan tulad ng tricycle, jeep, barko o
maging sa eroplano, umaandar man o nakahinto ang mga ito.
Sa ilalim ng
batas, parurusahan ang mga estabisimyento o mga tindahan na makitang nagbebenta
ng sigarilyo 100 metro malapit sa mga paaralan at mga lugar ng mga menor de
edad.
Nabatid ang sino
mang lalabag dito ay pagmumultahin ng P500 hanggang P10, 000 at pagkansela sa
business permit.
Naging epektibo
na kahapon ang Executive Order No. 26 o Nationwide Smoking Ban na pinirmahan ni
Pangulong Rodrigo Duterte.
No comments:
Post a Comment