Pages

Friday, July 21, 2017

BBASS nais ipatupad ang Moratorium sa mga bagong Dive Schools sa Boracay

Posted July 21, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, people sitting, table, living room and indoorNais ngayon ng Presidente ng Boracay Business Administration of Scuba Schools (BBASS) na si Jun Bondoc na magkaroon ng Moratorium para sa mga bagong dive schools sa isla ng Boracay.

Sa isinagawang Committee Hearing nitong Martes sa bayan ng Malay, nagpulong ang mga miyembro ng ibat-ibang asosasyon na nag-ooperate sa isla at Committee Chairman on Tourism Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron.

Itong kagustuhan ni Bondoc ay para umano maprotektahan ang seguridad ng mga diving operators kaya naman inendorso nito kay SB Pagsuguiron ang kanyang kahilingan na magpasa ng isang resolusyon para sa isang moratorium.

Nabatid na mayroong 42 rehistradong diving schools dito at 37 naman ang mga nag-ooperate.

Samantala, ipina-abot ni Pagsuguiron na kanilang pag-aaralan ng kanyang mga kasamahan sa SB itong kahilingan ni Bondoc.

No comments:

Post a Comment