Pages

Tuesday, June 13, 2017

Safety and Security Requirements, nais paigtingin ng Philippine Coast Guard

Posted June 13, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

No automatic alt text available.Upang maiwasan ang insidente ng pagkalunod at ma-protektahan ang mga bisitang turista, nais ngayon ng Philippine Coast Guard na muling ipaalala sa mga resort  owners ang hinggil sa Memorandum Circular 03-14.
Ang Memorandum Circular na inilabas pa noong 2014 ay mga alituntunin na naglalayong magbigay proteksyon at kaalaman sa mga beach resort para sa mas ligtas na pasilidad tulad ng pool kasama na ang paglagak ng lifeguards na magbabantay sa mga guest.

Dito, nakapaloob na kailangan magkaroon ang mga resorts ng lifeguard na well-trained ng Philippine Red Cross at akreditado ng PCG kung saan dapat magkaroon din ng isang lifeguard bawat 20 meters sa tabing dagat.

Dapat din umanong magkaroon din ng first-aiders na akreditado ng Philippine Red Cross o ng PCG kasama ang mga first aide medicine o mga gamit pangligtas.

Kabilang pa rito ang paglalagay ng mga boya sa karagatan lalo na kapag kantilado at para malaman ng mga naliligo kung hanggang saan ba ang ligtas na languyan.

Image result for coast guard
Kaugnay nito, dapat magkaroon din ng radio communication room ang mga resorts para magsisilbing komunikasyon sakaling may mangangailangan  maliban pa sa sa beach warning signage at flag signals.

Kung matatandaan, naging suhestiyon ito ni  PO1st Condrito Alvarez ng Philippine Coast Guard Boracay bilang paghahanda narin ngayong Habagat Season at para maiwasan ang insidente ng lunod lalo at may namatay nitong nakalipas na araw lamang.

1 comment: