Posted June 26, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Nabatid na mahigit dalawang-daan ang dumalo na kinabibilangan
ng mga Media sa Aklan, Capiz, Iloilo, Department of Education, Aklan Police
Personel, Stakeholders, mga estudyante ng Northwestern Visayan Colleges ( NVC),
at marami pang iba.
Naging bisita sa
pagpupulong ang mga opisyales na nasa ilalim ng Duterte Administration kung
saan tig- iisang topiko ang kanilang ibinahagi sa mga tagapakinig na dumalo sa
naturang pulong.
Kaugnay nito, dahil
sa mga nais ipa-abot ng Administrasyong Duterte sa taong bayan, isa sa mga pinag-usapan
dito ang tungkol sa Federalism at Anti-Illegal Drug Campaign ni Undersecretary
John Castriciones, Tourism Thrusts Under the Duterte Administration ni
Frederick Alegre ng Department of Tourism at Climate Change Adaptation and
Mitigation ni Former Senator Heherson “ Sonny” Alvares.
Dito, mariing
sinabi ni Castriciones na ang solusyon sa problema sa droga ay simulan dapat sa
pag-iingat ng pamilya.
Dagdag nito, kung
pederalismo naman umano ang pag-uusapan ilan sa mga napuntahan nilang rehiyon
sa bansa ay malaki ang paniniwala sa isinusulong na pederalismo kung saan aniya
malaking tulong umano ito sa probinsya.
Sa kabilang dako,
ayon kay Alegre nais nilang ipa-abot sa publiko na dapat mapanatili ang likas
na yaman ng Pilipinas kung saan dapat labanan ang terorismo na maka-apekto ng
mga turistang tumutungo dito at siyang pwedeng sumira umano ng yaman ng ating
bansa.
Kailangan din
umano nating humanap ng paraan para ma-preserve ang mga isla na ating tourist
destination.
Sa naging topiko
na Paris Agreement ni dating Senator Alvarez, partikular na hinikayat nito ang
paggamit ng Solar Panel at magtulong-tulong umano ang publiko upang masulba ang
problema sa Climate Change.
Samantala, sa
pagtatapos ng Forum naging masaya at napuno ito ng katanungan ng mga nakinig sa
naturang usapin.
Ang media forum
ay inorganisa para bigyang karangalan ang namayapang former Aklan Congressman
Allen Salas Quimpo.
No comments:
Post a Comment