Posted June 7, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Isang Malaysian National ang nag-reklamo sa Boracay PNP
matapos umano itong mabiktima ng Illegal na Commissioner sa isla kahapon.
Ang nagrereklamo ay nakilalang si Sing Chun Mun,
30-anyos.
Sa report ng biktima sa mga pulis, -booked umano
sila ng kanyang kaibigan sa suspek na si certain “Christian” ng water sports
activity subalit ng magkikita na ito sa kanilang lugar na pinag-usapang para
gawin ang naturang water sports activity ay hindi nagpakita sa kanila ang
umano’y komisyoner.
Pagdag-dag pa ng biktima nagbayad na sila ng mahigit P
37, 000 para sa limang Sea Sports Activity kasama ang mga kaibigan nito.
Nabatid na tinatawagan nila ang numero ng suspek subalit
hindi na ito mahagilap.
Kaugnay nito, nagpapatuloy parin sa ngayon ang
imbestigasyon ng Boracay PNP hinggil sa nasabing reklamo.
No comments:
Post a Comment