Posted June 26, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Bumisita si DENR Secretary Roy Cimatu sa Bayan ng Malay nitong
nakalipas na linggo para pag-usapan ang environment issues na kinahaharap
ngayon ng isla ng Boracay.
Naganap ang pagpupulong sa Legislative Building ng Malay na
dinaluhan ng mga opisyales ng Lokal na Pamahalaan ng Malay, mga stakeholders
at grupo mula sa iba’t ibang sektor.
Sumentro ang pag-uusap sa mga kinakaharap ng isla katulad
nang Solid Waste Management, Setbacks at kalidad ng tubig sa isla kasama at
drainage system.
Hindi man nagawang inspeksyunin ni Cimatu ang Boracay, ang
kanyang mga kasamang Undersecretaries naman ang kanyang ipinadala upang
mag-inspeksyon at magkapag-sumite ng comprehensive report at maging ang rekomendasyon sa magiging
resulta ng sa gayon ay agad itong mabigyan ng kaukulang solusyon.
Sa panayam ng himpilang ito kay SB Nenette Aguirre- Graf,
patuloy ang aksyon na isinasagawa ng LGU-Malay para masolusyonan na ang mga
isyung ito.
Ani Graf, naging masaya naman si Cimatu sa ipinaabot
nilang mga hakbang para matugunan ang suliranin sa isla ganunpaman ipinaabot
naman nito sa publiko na magkipagtulungan sa LGU ng sa ganun ay mapadali ang
pagsasaayos sa lugar.
Dagdag pa nito, habang maaga pa ay simulan na ng bawat
isa ang paggamit ng mga reusable bags sa pamimili maging sa pagtitinda dahil
ito ay para naman sa kabutihan ng isla.
Magugunitang nito lamang buwan ay inilabas ang
ordinansang magbabawal sa paggamit ng styrofoam at plastic bags sa Boracay
simula Hulyo 15 ng taong kasalukuyan ang sinumang lumabag dito ay mahaharap sa
kaukulang penalidad.
Samantala,nitong Buwan lamang ng Mayo itinalaga si Cimatu
bilang DENR Secretary kung saan ang layunin nito ay ang unahin ang problemang pang-kalikasan
na kinakaharap ng mga tourists destination lalo na ang Boracay.
No comments:
Post a Comment