Posted June 2,
2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Sa nakalipas, humarap sa 15th Regular Session
si Engr. Arnold Solano, dating OIC ng Solid Waste Management kaugnay sa volume
nang basura na hinahakot sa Manocmanoc MRF na binigyan ng 140 days na kontrata.
Sumentro ang pagtatanong sa kung natapos ba ng contractor
ang trabaho base sa pinirmahang kontrata.
Ayon kay Vidal Villaruz Jr. na contractor sa paghahakot, nasa
10, 920 cubic meter ang kabuuang sukat ng hahakutin nilang basura sa MRF kung
saan nabatid na nasa 10,850 na ang na-haul.
Samantala, nagkaroon man ng hindi pagkakatugma sa tamang
sukat ay patuloy pa rin nilang pupunan ang natitira pang basura base sa
kanilang kontrata.
No comments:
Post a Comment