Pages

Friday, June 09, 2017

BRP Gregorio Del Pilar ng Philippine Navy, bumisita sa Boracay

Posted June 9, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Dahil sa mga hindi magandang nangyayari sa ibat-ibang sulok ng mundo, binisita ngayon ng BRP Gregorio Del Pilar (FF15) sa ilalim ng Naval Forces Central ang isla ng Boracay.
Itong pagbisita ng military vessel ay bilang pagbibigay ng suporta at pagpapa-igting ng seguridad lalo na sa mga turistang bumibisita sa isla kung saan magiging katuwang din ito ng Task Force Boracay.

San isang mensahe, ayon kay AFP Commodore Loumer P Bernabe, Commander ng Naval Forces Central at MJTF “Area Shield”, nandito umano sila upang paigtingin ang seguridad sa isla sa pamamagitan ng kanilang visibilty kung saan pina-alalahanan din nito ang mga tao na kung may mapansin na kahina-hinala lalo na sa karagatan ay agad na ipagbigay-alam sa kanila ng ganon ay kanila ito maaksyun.

Image may contain: ocean, sky, outdoor, water and natureAng BRP Gregorio Del Pilar (FF15) ay isa sa barkong pandigma ng Pilipinas na ginagamit din sa disaster and relief operations at iba pang international operations.

Samantala, ayon kay Bernabe may tatlong navy boat ang mag-ooperate sa isla kung saan dalawa ngayon ang naglalayag dito at sa susunod naman ng Linggo darating ang isa pa.

Samantala, sa pagdalo rin ni Executive Assistant IV Rowen Aguirre ng Task Force Boracay ay nagbigay paalala ito na maging vigilante, magtulongan ang mga tao para maprotektahan ang bayan at ang bansa.

Ilan din sa mga sumampa sa navy ship na ito ay sina APPO OIC PSUPT. Lope Manlapaz,  Boracay PNP, Task Group Boracay, Philippine Army, at mga piling stakeholders ng Boracay.

No comments:

Post a Comment