Pages

Thursday, May 11, 2017

Koreano, kalaboso dahil sa pananakit sa MAP

Posted May 11, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for MALAY AUXILIARY POLICE MEMBERKalaboso ang isang Korean National pagkatapos nitong hampasin ng pipe ang isang MAP o Malay Auxiliary Police matapos itong habulin dahil sa paglabag sa Municipal Ordinance No. 272 S at Municipal Ordinance No. 311, S 2012 na No Smoking at No Littering.

Base sa blotter entry ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), inisyuhan umano ng biktimang si Hadde Salih Hadji y Camin na isang MAP member ang suspek na si Bi Oh Kim na nahuling naninigarilyo subalit agad itong tumakbo papunta sa isang hotel kung kaya’t hinabol naman ito ng una.

Nang dahil eksenang habulan, agad namang tinulungan ng mga naroon sa lugar ang MAP ngunit nanlaban pa umano koreano at pumasok sa isang hotel at hinampas ang humabol sa kanya.

Humingi naman ng tulong ang kasamahan ng biktima para sa police assistance kung saan inaresto si Kim na ngayon ay nasa kustodiya na ng Boracay PNP.

No comments:

Post a Comment