Posted May 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Aprubado na sa ikatlo at
huling pagbasa ang panukalang nagbabawal sa pag-inom ng nakakalasing na inumin
sa pampublikong lugar sa bayan ng Malay.
Kahapon sa 14th Regular Session ng Sangguniang Bayan ng
Malay ay inaprubahan ang ordinansa kung saan nakapaloob dito ang pagbabawal sa
pag-inom sa pambublikong tulad ng sidewalks, sports complex, tabing dagat, at
ilog.
Anim na metro ang layo o distansya ang pwedeng payagan sa
mga nabanggit na mga lugar habang limang metro naman ang layo dapat sa mga
pampublikong parke.
Sa probisyon ng ordinansa, pinapayagan lamang ang
pag-inom sa pampublikong lugar sa mga fiesta, special public events, festivals,
at public celebration.
Samantala, binibigyan naman ng special permit ang mga
Barangay na magsasagawa ng kanilang aktibidad sa mga pampublikong parke, cover
court at basketball court subalit may kaugnayan lang ito sa Christmas Party,
Reunions, Weddings or Birthdays, at wakes and funerals.
Kaugnay nito, may kaukulang penalidad ang mga lalabag
dito kung saan sa First Offense may 500 pesos na penalidad ang mahuhulihan ng
nakakalasing na inumin habang sa Second Offence ay 1,000 at 3rd Offence na may
2,500 o pagkakakulong ng 30 araw.
No comments:
Post a Comment