Posted May 17, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Masasabing gumaganda na ang sitwasyon ng marine
environment ng Boracay pagkatapos na sinuri ng mga divers ang reef areas sa ginagawang
coral rehabilitation project ng Boracay Foundation Incorporated O BFI nitong
mga nakalipas na taon.
Sa underwater evaluation, lumalago na at dumami ang
bilang ng mga buhay na korales dahil sa isinagawang “reefurbishment” program ng
noo’y Boracay Beach Management Program o (BBMP) sa ilalim ng Coastal Resource
Management Project ng BFI.
Nabatid na layunin ng proyektong ito na mapabuti at madagdagan
ang marine life sa karagatan ng Boracay na napinsala ng dahil sa mga kalamidad
tulad ng bagyo at iresponsableng
pag-angkla ng mga bangka.
Kung maalala, nagsagawa ng transplantation ng coral
fragments ang mga volunteers na nakolekta mula sa nasira at na-dislodged na mga
korales kung saan ang mga piraso nito ay palalakihin muna sa isang coral
nursery sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan bago ito ililipat sa ilalim ng
dagat.
Samantala, mangunguna naman ang BFI sa underwater cleanup
na gaganapin sa Mayo a kinse bilang bahagi sa papalapit na ika- 20 anibersaryo ng
foundation.
No comments:
Post a Comment