Posted May 3, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
“Naging iresponsable”.
Ito ang naging pahayag ni BFI President Diony Salme,
bilang reaksyon nito sa katatapos lamang na LaBoracay.
Aniya, personal nitong nakita ang mga lumulutang na mga
bote na nasa baybayin ng Boracay maging ang mga kalat na dulot ng nabanggit na
event.
Bagama’t may nagsagawa naman ng paglilinis sa mga event area
ay hindi pa rin maitatago ang mga nasaksihang dumi sa white beach na na-ipost
pa ng iba sa social media.
Pinaaabot nito na ang lahat ng mga organizers ay may
obligasyon upang ipaalala sa mga bisita o party goers na maging responsible dahil
kung ihahambing sa nakalipas na LaBoracay ay di hamak na mas organisado umano
ito.
Kaugnay nito, kinulang umano ang mga garbage bin sa isla
na kailangang dagdagan para sa susunod na taon.
Nabatid na hindi rin daw umano naging mabilis ang usad sa
jettyport dahil sa volume ng mga turista na labas- masok at local tourist kahit
na may iba pang sasakyang pandagat na ginamit para rito.
Ayon pa kay Salme, makikita na kinawawa at sinamantala ang
paggamit ng isla sa mga iniwang bakas ng LaBoracay kaya’t pinababatid nito sa
mga party goers na dapat ay magkaroon ng malasakit para sa susunod na taon ay maging
mas maayos na ito.
Samantala, sa isang komunikasyon na ipinadala ni SB Committee
on Environment Chairman Nenette Aguirre-Graf, aminado ito na wala pa umanong
konkretong plano patungkol sa isyu subalit imumungkahi nito na dapat magkaroon
ng Post- LaBoracay meeting sa mga
concerned group at LGU para sa assessment kung aaprubahan ni Mayor Cawaling.
No comments:
Post a Comment