Pages

Wednesday, May 31, 2017

Joint Task Force Boracay, sumailalim sa Simulation Exercises

Posted May 30, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image result for task forceNitong sabado ay sumailalim ang Joint Task Force Boracay sa security exercises matapos ang nangyaring pag- atake ng Maute Group sa Marawi City.

Ang pagsasanay ay isinabay sa activation ng grupo na binubuo ng Boracay Tourist Assistance Center,Philippine National Police Maritime Group, Philippine Coast Guard, Philippine Army, Philippine Navy, Bureau of Fire Protection, Malay Auxilliary Police, Boracay Fire Rescue and Ambulance Volunteers (BFRAV) at Municipal Disaster Risk Reduction Office o MDRRMO Malay.

Nabatid na isinagawa ang 25-minute simulation exercise sa Station 1 kung saan ipinamalas dito ang kakayahan ng task force sa mga senaryo na kakailanganin ang kanilang pag-responde.

Ito ay isa sa mga hakbang upang mapanatili ang seguridad sa Boracay maging ang mga mamamayan at turista kung saan narinig ang putok at pagsabog sa kahabaan ng white beach ng Boracay bilang bahagi ng exercise na ito at maging makatotohanan ng magkasagupa ang mga umaktong “kidnappers” gamit ang blank bullets at blastering caps.

Samantala, ayon naman sa panayam kay Executive Officer IV Rowen Aguirre,wala naman umanong intelligence report ukol sa anumang banta sa isla at bago pa man umano mangyari ang mga pag-atake sa Marawi City ay pinaghahandaan na nila ang pagpaplano para sa seguridad at kaligtasan ng mga tao rito at maging ng mga turista.


No comments:

Post a Comment