Pages

Wednesday, May 24, 2017

DTI Aklan, mino-monitor na ang presyo ng mga school supplies

Posted May 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Dalawang linggo bago ang pagbubukas ng klase, nagsimula na ang kaliwa’t kanang preparasyon para sa pagbabalik-eskuwela.

Todo bantay na ngayon ang Department of Trade and Industry-Aklan sa pag-monitor ng mga bilihin partikular sa school supplies ng mga estudyanteng mag-aaral.
Ayon kay OIC DTI-Aklan Ma. Carmen Iturralde, nagsisimula na ang kanilang monitoring sa mga nagbebenta ng school supplies sa probinsya subalit hindi pa niya alam kung may mga pagbaba o pagtaas sa presyo.

Samantala, makikita naman sa website na www.dti.gov.ph. ang presyo ng mga bilihin para sa mga gamit sa paaralan na siyang malaking tulong sakaling sila ay pumunta sa mga pamilihan.

Image result for high school suppliesDito umano nakapaloob na hindi lang suggested retail price ang tingnan kundi pati na ang quality nito kagaya nalang nang sa pad, sa notebook, tingnan ang number of pages, labeling, name ng manufacturer at brand nito.

Dagdag pa dito tingnan din umano ang mga bibilhan na gamit kung may pangalang “Non Toxic”.

Kaugnay nito, kahapon araw ng Martes, nagsimula na ang kanilang “Balik Eskwela Diskwentro Sale” sa Covered Court ng Altavas, kasunod nito bukas May 25 sa Covered Court naman ng Nabas at May 26 sa Tangalan Public Market ng Tangalan.
Itong tatlong araw na Diskwentro Sale ng DTI-Aklan ay para matulungan ang mga magulang at makatipid sa pagbili ng gamit sa eskwela ngayong nalalapit na pasukan.

No comments:

Post a Comment