Pages

Friday, April 07, 2017

PCG Boracay, naka-alerto na para sa Semana Santa

Posted April 7, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for semana santa 2017Nakaalerto na ang Philippine Coast Guard o (PCG) Boracay Substation para sa inaasahang pagdagsa ng daan-daang mga pasahero sa pantalan ng Caticlan Jetty Port ilang araw bago ang Semana Santa.

Sa panayam kay PO1st Condrito Alvares ng Philippine Coast Guard Boracay, all set na ang kanilang ginagawang preparasyon pagdating sa seguridad ng mga turista na papasok at palabas ng isla.

Naka-alerto din umano ang kanilang hanay sa kahabaan ng long beach para sa pagbantay ng mga naliligo kung saan sasabayan rin nila ito ng seaborne patrol sa karagatan.  

Kaugnay nito, nakatakda namang magtayo ng Passengers Assistance Center (PAC) booths ang PCG sa Caticlan Jetty Port para mas maging madali sa mga pasahero na idulog ang anumang insidente o krimen na posibleng mangyari.

Samantala, payo naman ni Alvares sa mga pasahero na sundin ang rules and regulation dito upang hindi sila madelay sa port at hindi na mahirapan sa ipapatupad na seguridad ng PCG.

Dagdag pa nito na kung meron man umanong mga problema ay idulog agad sa kanilang opisina dahil 24/7 naman silang bukas sa pagseserbisyo.

No comments:

Post a Comment