Posted April 7, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
May paalala ngayon ang Municipal Transportation Office sa
mga motorista na bumabyahe sa bayan ng Malay partikular sa isla ng Boracay.
Upang maka-iwas umano sa disgrasya dapat maging alerto
ang mga motorista pagdating sa kanilang mga minamanehong sasakyan kung saan
dapat i-check nila muna itong mabuti kung may depekto ba o wala bago bumyahe.
Kaugnay nito, mahigpit niya ring paalala na bawal
maggamit ng cellphone kapag nasa pasada.
Samantala, mahigpit naman ang kanilang ginagawang
pagbantay sa mga kalsada upang mabantayan ang daloy ng trapiko.
No comments:
Post a Comment