Pages

Saturday, April 08, 2017

Kaununa-unahang Advocacy Run ng KBP-Aklan Chapter, aarangkada na

Posted April 8, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

“Kapayapaan, Buhay at Pag-asa”

Ito ngayon ang tema sa kauna-unahang Advocacy Run ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP- Aklan Chapter) na gaganapin bukas alas-sais ng umaga Araw ng Kagitingan.

Nabatid na magkikita-kita ang mga kalahok sa Magsaysay Park, kung saan sisimulan ang pagtakbo na liliko sa Mabini Street at dederetso papuntang Kalibo International Airport (KIA) liliko sa Martilino St. bago daanan ang Roxas Avenue pabalik ng Magsaysay Park.

Ang unang makaka-balik sa Magsaysay Park ay siyang makakatanggap sa inihandang pagkilala ng mga miyembro ng KBP kung saan bibigyan ng plake ang top 3 finishers na babae at lalake maliban pa sa oldest at youngest finisher award.

Inaasahan naman ang mahigit sa 400 na mga sasali sa naturang pagtakbo kung saan ito ay kinabibilangan ng mga Media sa Aklan na miyembro ng KBP, mga pulis, teachers sa ibat-ibang paaralan sa lalawigan, Non Government Organization (NGO’S), Commercial Establishments at marami pang iba.

Inaasahan din ang pagdalo ni APPO OIC PSSupt. Lope Manlapaz kasama ang mahigit isang-daang pulis na sasama rin sa pagtakbo.

Layunin ng Advocacy Run na maging positibo ang lahat sa kabila ng mga pagsubok na nararanasan ng Pilipinas sa usaping
pang-kapayapaan, pagpapahalaga sa buhay sa pamamagitan ng pag-iwas sa droga at paghikayat na mag-ambag para sa ikakabuti ng bayan na tatalima sa selebrasyon ng Araw ng Kagitingan.

Ang KBP-Aklan Chapter ay pinamumunuan ni Chairman Alan Palma Sr. na Manager ng 91.1 YES FM Boracay.

No comments:

Post a Comment