Posted March 22, 2017
Ni Danita Jean
A.Pelayo, YES FM Boracay
Target ngayon ng TESDA o Technical Education and Skills
Development Authority na madagdagan ang benipesyaryo sa Probinsya ng Aklan sa
pamamagitan ng kanilang mga programa.
Sa press conference na ginanap sa isla ng Boracay, dinaluhan
ng isandaang mga kapitan galing sa labinpitong mga munisipalidad sa Aklan
kasama ang mga Technical Vocation Education and Training (TVET) Schools.
Ang pagtitipon ay para sa Barangay Kasanayan para sa
Kabuhayan at Kapayapaan o BKKK Program na maglalagak ng skills training
programs sa mga kabaranggayan lalo na sa probinsya ng Aklan.
Ayon kay Sec. Guiling “Gene” Mamondong, sa
pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay ay mas madaling matukoy kung sino
ang nararapat na benipesyaryo sa programa ng TVET.
Sa nakalipas umano na tatlong taon, ang Probinsya ng Aklan
ay may 3,000 na mga benificiaries kung saan isang libo rito ang nakakatanggap
bawat taon.
Dagdag pa ni Mamondong, ngayong taon ay asahan umanong gagawin
nilang 3,000 ang makaka-benipisyo para maibsan na ang kahirapan at mas dumami
pa ang bilang ng mga magkakaroon ng trabaho.
Samantala, nagpaabot naman si Liga Vice President Lowell
Fernandez ng pagkagalak sa ibinigay na pagkakataon sa kanila na makatulong sa
kanilang mga nasasakupan.
Ang TESDA ay isang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng
Department Of Labor and Employment (DOLE) at ng Office of the Cabinet Secretary
na responsible sa pamamalakad at pangangasiwa ng technical education and skills
development sa bansa.
No comments:
Post a Comment