Pages

Saturday, March 11, 2017

Sunog na sumiklab sa Manoc-Manoc kanina, nagpapatuloy ang imbestigasyon

Posted March 10, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for sunogNagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay hinggil sa nangyaring sunog kaninang alas-tres y medya ng madaling araw.

Ayon kay FO3 Franklin Arubang ng BFP-Boracay, isang lalaki ang pumunta sa kanilang opisina at nag-report na meron umanong nasusunog na bahay sa Sitio Bung-aw, Brgy. Manoc-manoc, Boracay.

Agad naman aniya nilang ni-respondihan ang lugar katuwang ang ibang mga responder’s kagaya ng BFRAV, Boracay Water Company o (BIWC) at mga opisyales ng Brgy. para maapula ang sunog.

At base sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, totally burnt na nagsimula umano sa ikalawang palapag ng bahay ni Rony Panagsagan ang sunog na gawa ito sa light materials.

Nabatid na wala si Panagsagan ng mangyari ang sunog kung saan ang pamangkin nitong lalaki ang pinatulog niya sa kanyang bahay.

Umabot sa kalahating oras ang sunog at tinatayang nasa P50k ang halaga ng mga ari-arian ang naabo.
Sa kasalukuyan, patuloy pang inaalam ng BFP-Boracay ang sanhi ng nangyaring sunog.
Ginugunita ng BFP ang buwan ng Marso bilang Fire Prevention Month.

No comments:

Post a Comment