Posted March 31, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Dahil sa papalapit na Legislative Quiz Bee ng Sangguniang
Panlalawigan Aklan, tumatanggap na sila ngayon ng entries sa mga sumali.
Gaganapin ito sa susunod na buwan ng Abril 20 sa Governor
Augusto B. Legaspi Sports Complex and Cultural Center kung saan ang deadline ay
hanggang Abril 7 ng taong kasalukuyan.
Ang mga kwalipikadong sasali dito ay mga empleyado at
opisyales ng labing pitong bayan ng probinsya ng Aklan kabilang na ang mga
estudyante mula sa mga unibersidad at highschool sa probinsya.
Kaugnay nito, ang mga kwalipikadong entries ay sasailalim
sa briefing sa Abril 14 para sa mga mechanics at rules ng Legislative Quiz Bee.
Ang Legislative Quiz Bee, ay patimpalak sa pags-selebra
ng 61st Aklan Day sa pangunguna ng Bise
Gobernador at Regular Presiding Officer na si Atty. Reynaldo Boy-Quimpo.
No comments:
Post a Comment